Haunted Hospital (Baler 2017)

IMG_20171028_182412

Conjuring 2 movie of the night at Costa Pacifica

IMG_20171028_180924

Sabang Hospital: Haunted Hospital ( Costa Pacifica)

IMG_20171028_160620

Photo with co-passengers to Baler

IMG_20171028_150334

Lunch with Epi, Riza, Charlene and Ashley

IMG_20171028_161629

Haunted Hospital Tickets at Costa Pacifica Hotel, Baler 2017

IMG_20171029_071125

with an engaged couple

IMG_20171028_101024

Ditumabo Mother falls adventure with the gals at San Luis, Maria Aurora

Bigla na lang pumasok sa isip ko na gusto ko palang magsulat ng horror stories, kakayanin ko kaya? Kahit maikling kuwento lang.

Kasi, sobrang underrated ang mga horror stories daw ngayon.. Hindi na nga masyadong takot ang mga bata sa mga multo, aswang o nuno sa punso, mga manananggal, diwata, kapre o mga malignong laging nakatingin sayo, kahit san ka pumunta, mapasa-ilaw man yan o sa dilim.

Isang araw, habang nagduduty ako sa ospital, tinanong ko yung senior nurse ko. Anong horror movie ang talagang natakot siya.. Ang sabi niya.. Japanese horror movies daw talaga yung pinakanakakatakot niyang napanuod. Well, maski ako.. kabado din sa horror movies ng Japan. Marami silang pinaghuhugutan.

Isang araw din nang ako ay nagbakasyon ng magisa papuntang Baler, may nakilala akong mga bagong kaibigan sa loob ng van, apat sila. Sila Riza, Epi, Ashley and Charlene. Kasabay ko silang kumain ng almusal bago lumangoy sa falls ng Maria Aurora, pero hindi ko nakasama lumangoy sa dagat, nauna kasi akong nagising, nagsurf ako ng ako lang magisa, pero may nagturo naman.. Mahirap pala magsurf, lalo na kung mahirap ang balancing skills mo. Tulad ko, since medyo chubby ako at baguhan pa lamang sa surfing, ang hirap magbalance. Ilang beses akong sumubsob sa alon ng dagat. Pero, may nakilala din akong ibang friends na kasabay ko rin lumangoy sa dagat, magsyota din.. pero girl and boy, engaged couple, tapos yung iba mga dayo din at mga locals.

Yung apat na bago kong nakilalang friends, sina Riza, Ash, Charlene and Epi.. natulog kami sa isang kwarto. Nasa double deck silang apat, ako nasa lapag, but don’t worry may kutsyon naman. Bago kami natulog, pumunta kami sa isang haunted hospital, sa may Costa Pacifica Hotel Baler, Aurora. Ang galing ng effects and make-up, maski yung sounds at yung mga manika/dummies na mukhang pasyente at bangkay.. talagang nakakabilib. Ang movie of the night nung gabing yun ay Conjuring 2.

Tawa ng tawa yung mga kasama ko habang dinadayo namin ang bawat area sa haunted hospital. May nakaiwan ng tsinelas, may napatalon, napasigaw, napahalakhak sa kaba. Syempre dun sa ospital na yun, may Emergency Room, Operating Room, ICU, Nursery, at Morgue.. Yun yung pagkakaalala ko. Subalit, hindi ko sure kung kasama yung Delivery room sa napuntahan namin.

Para sa akin, mas nakakatakot sa Delivery room. Seryoso. Promise.