Gising pa rin

Guys, it’s already the 24th of May. Ambilis ng oras, ni hindi ko namalayan na dumaan ang Abril. Mayo na ngayon, malapit na mag Hunyo.

Gusto ko lang magpasalamat sa Lord, kasi yung nawala kong 9,000 pesos, nakabalik siya sa akin. Thank You God!

So, after ko mag file ng complaint sa BPI, after 2 days, naibalik na sa account ko yung money.

But the problem is hindi pa rin ako marunong mag budget. But, I know matututunan naman yun.

Moreover, kahapon, meron akong bagong nurse na kasama sa ER. I tried to teach her. Hindi ko alam ituturo ko sakanya.. I just tried to teach her kung ano yung tinuro din sakin before ng preceptors ko at senior nurses.

This new nurse is 10 years older than me. Mejo strict ako kanina. She asked, if educator daw ako, or CI, kasi mejo strict ako. Sabi ko hindi. Tapos, sabi niya baka daw nag mamasteral ako. Sabi ko naman, oo. So, I tried to teach lang kanina. And I tried to correct her if may mali siya.

What I liked about her, nagtatanong siya if tama ginagawa niya, and magaling siya magsalita na mapapalagay loob mo sakanya. Kaso, nakita niya kanina na pinagalitan ko yung nursing assistant, after quite some time, pinagsabihan niya ako… na mejo off daw ginawa ko sa nursing assistant with the way I talked.

Ang sabi ko, minsan lang ako magsalita, so ang dating mukha akong galit. Pero, nagtatanong lang naman ako. I just needed clarity about a certain issue sa triage at ER.

I appreciated what she said kahapon sakin. Hindi ako perpekto. I learn also from other people, especially the students and mentees. I learned from her. Sinabihan niya ako, ganun din daw siya noon.. pero she changed it.

Kapag daw naiinis siya or galit, she tries to count 1 to 5 and then saka siya nagsasalita. Then, hindi na siya masyadong galit pakinggan. So, I guess, gagawin ko rin yun. Kasi daw pag hindi ko yun binago, lalayuan daw ako ng mga tao. haha. She has a point. Kaya mejo loner ako. haha. lol.

Thank you God, kasi hindi lang ako natututo sa libro kundi sa mga tao na nakakasalamuha ko.

So, after this.. I will try to sleep na. Duty pa ako mamayang morning. Good night.