Naramdaman niyo na ba to?

Hindi ko alam, kung bakit nararamdaman ko to ngayon.

Dala siguro ng kape, pero hindi naman ako lagi umiinom ng kape.

Pero recently lagi akong kinakabahan.

Ano ba tong nararamdaman ko.

Wala namang humahabol sakin na aso.

Wala naman humahabol sakin na tao.

Pero abot abot ang kaba na nararamdaman ko.

Naramdaman niyo na ba to, guys? ladies?

Ayoko naman umasa,

Pag-ibig na kaya tong nararamdaman ko?

Inlab ba ako?

Lord, ito na ba to?

Sobrang tagal ko na kasi huling naranasan yung ganito. Or nalimutan ko na siguro.

Wala naman akong sakit sa puso.

Minsan naiisip ko baka dahil sa kape lang.

Grabe, minsan lang talaga ako magkape, pero yung epekto sakin!

Wala naman nanliligaw sakin sa personal eh. So asa pa ako, diba? Haha.

Pero, yung feeling na to: masayang kaba.

Kung naiintindihan niyo yung gusto kong ipahiwatig.

Sana nagegets niyo ako.

Dear heart of mine, dahan dahan lang ang tibok. Ok?

I-enjoy lang muna natin yung proseso.

Minsan lang dumating yung ganitong feeling.

Are you inlab, Jea? Naks!

Who is the lucky mystery guy?

Baka paasahin ka lang. Haha!

So medyo guard tayo ng onti sa nararamdaman,

baka malinlang ka lang ng kape.