Koko Ni ItA

“Koko ni ita” is a Japanese phrase which means “been here”.

Alam niyo ba, tinanggal na ako ng manager ko sa Patient Care Services Department Viber group because of my unauthorized absences and my issue with a patient complaint. I have not even read the complaint of the patient I handled in the Neuro Critical Care Unit. Maybe, if I have the courage once I get my renewed license tomorrow. Hopefully.

Meron din akong assignment na hindi ginawa para sa Master’s degree ko. Reaction papers for three journals in Nursing about Academic Freedom na topic na kung saan inassign sa akin.

Back to the first topic that I had, my patient had a Glascow Coma Scale of 11 (Eye Opening: Spontaneous =4, Verbal Response: None = 1, since he had tracheostomy, Motor response: obeys commands = 6). He can lift both upper and lower extremities, but when I asked my patient if “kaya niya i-lift yung buttocks niya” sabi niya.. hindi niya kaya. Upon my assessment, mukhang wala naman siyang lesion sa Medulla kasi wala naman weakness yung both upper and lower extremities. Pero yung nag-complain is yung wife ng patient. Sinabihan niya ako na mag bedbath ng one ng madaling araw. Akala ko aalis na siya.. Pero bumalik siya ng one sakto ng madaling araw. Pero may rules sa unit na bawal bumisita ang relatives at a certain hours at night, pero siya inallow na pumasok. Pero pasalamat na din ako na dumating siya, kasi hindi ako komportable paliguan ang gising na pasyente lalo na kung lalaki, tapos kaming dalawa lang sa loob.

Alam nio ba guys, sa hospital na yun, kawawa ang mga nurses. Ang wish ko lang, sana magkusa din tumulong yung mga nursing aids kahit na mas matataas sweldo nila sa nurses dun dahil sa tenure nila sa trabaho.

Nga pala, siguro meron din fault ang nurses, dahil siguro dapat sabihan nila ng maayos yung nursing aids ng plano nila for the day, at hindi ora orada na sabihan agad na gawin ang pinagagawa, dahil oo nga naman, tao din sila.. kung nursing aid din siguro ako.. ayoko rin na gawin ang isang bagay lalo na kung hindi ako handa. Dapat may plano, sa ganitong oras kailangan na magbedbath or kailangan magchange ng linens.

Alam nio ba, nung college ako.. sobrang decisive ko. Like, I can decide agad agad sa mga gagawin.. pero nung naging nurse na ako… in actual experience, mahirap pala. Lalo na yung delegation of tasks.

Anyway, gusto ko mabasa yung complaint ng patient ko sakin. Sabi ng tita ko sa Netherlands, it’s a normal thing na magcomplaint sa nurses or even doctors sa culture nila.. for the improvement of services. Kaya, do not be disappointed when someone files a complaint against you, kasi.. para sa ikakaimprove yun ng services.

I am actually not afraid to face the complaint. Kaya ako absent ng ilang araw since Nov. 3, 2020, kasi hindi pa dumadating yung license ko. Hindi ako komportable na magduty na wala ang license. Proteksyon ko yun eh. Kaya kung aalisin nila ako sa trabaho.. okay lang. Mag-aapply na lang ako sa ibang hospital. Gusto ko talaga makatapos ng contract sa work, kasi laging hindi natutupad. Pero sobrang thankful ko kasi nareach ko ang one year plus ilang months sa work sahospital na yun.

Kanina, kumain pala ako ng rice sa niluto ko at noodles, at nung gabi.. kumain ako sa yellowcab.. kumain ako ng pepperoni pizza and chicken na bones.. nakalimutan ko na pangalan sa order. Haha basta four pieces. Masarap with Mountain Dew. Pero mas gusto ko sana water, pero hindi available. Mahal yung tubig sa yellowcab, pero buti may outlet sila ng saksakan para sa Tablet notebook ko.

Yun lang… Nga pala.. Naisip ko mag-aral ng MAN sa UP Open University din, kaso four years yun.. sana matanggap ako. Pangarap ko talaga mag-aral sa UP nung college. Pero hindi ako nag-UPCAT para sa college, kasi ang gusto ng mama ko mag-aral ako sa RTRMS – MMC kasi dun din siya graduate ng Nursing Batch 88 ata if I am not mistaken.

Yun lang. Try ko na matulog, after ko uminom ng gamot ko. Hahaha.