Langgam

Magandang araw!

Gusto ko lang i-share ang naobserbahan ko ngayong araw. So, nagising ako ng madaling araw. Nagsaing ako ng bigas na mula sa ginrocery ko kahapon galing sa sweldo ko. Pagkasaing ko ng bigas, ininit ko yung roasted chicken na binili ko sa Chookstogo kagabi, pepper ang flavor.

Nag-saing ako ng isang takal ng bigas sa induction cooker. Kumain ako nung breakfast ng chicken at rice. Tapos, ngayon kakatapos ko lang kumain ng lunch, pero sobrang aga ako nakakain, hindi pa 12 ng tanghali, dahil wala akong ginagawa ngayon sa kwarto ko. Ang goal ko, makapaglinis sana at makapagbayad ng electric bills at internet ko. Actually, naghugas lang ako ng mga kinainan ko, at nilagyan ng muriatic acid ang toilet bowl. So, gusto ko sanang i-share ang naobserbahan ko sa mga itim na langgam.

Pagkatapos kong kumain ng nakatayo, nalaglag yung laman ng chicken sa sahig, ambilis dumating ng mga itim na langgam, narealize ko.. kung bigyan mo ng pagkain yung mga langgam sa lapag, hindi na sila aakyat sa lamesa para kainin yung mas malaking portion ng chicken. Alam niyo ba guys, sila ang pinakamasipag na creature sa land.

Ang galing lang. Oo nga naman, may nakita na silang food, hindi na sila mageexert pa ng effort para puntahan yung nasa taas ng lamesa. So, may pagkain pa ako mamaya. Sana hindi ma-panis.

After a few hours… I decided to open my faucet and let the water flow sa balde sa CR.

Guess what happened?

Nagsi-taguan ang mga langgam. Hahaha. Kumaripas sa takbo. Akala siguro nila ulan. Hehe.