Maria

Naalala ko, nagkaroon kami ng katulong noon, ang pangalan Eden Joy. Sabi niya, hindi niya ipapangalan sa anak niya ang pangalan na Maria.

Sobrang lungkot ng pangalan na to, pero sobra din siyang na-bless ng Lord.

Maraming Maria ang makikita sa Bible, isa sa pinakasikat ay yung nanay ng ating panginoon na si Jesu Cristo. Meron din isa pa, si Maria Magdalena, sinapian ng mga demonyo.. pero nakarecover. Lumuha siya sa paanan ni Jesus sa dami siguro ng nagawa niyang kasalanan. Isa siya sa mga naunang nakakita ng nabuhay si Jesus sa kanyang pagkamatay. Marami pa sigurong Maria sa bibliya. Pero ilan lang to sa nabasa ko at natandaan ko.

Naalala ko tuloy ang awitin na Magdalena ni Freddie Aguilar.

“Magdalena, ikaw ay sawimpalad,
Kailan ka nila maiintindihan,
Magdalena, Magdalena…

Ibig mo nang magbago at mamuhay na nang tahimik
Ngunit ang mundo’y sadyang napakalupit
Hanggang kailan maghihintay, hanggang kailan magtitiis
Ang dalangin mo, kailan maririnig”

Sobrang napakalupit ng mundo.. pero nasa attitude natin yun, kung pano makikibaka sa mga challenges ng buhay. Kung paano aahon muli sa bawat pag-lagpak sa alon ng dagat.

Nga pala, isa pala akong Maria.. Pero ang pag-ispell ay Ma.

Kung may pangalan ka na tulad ng “Ma.”, at kung mag-paparehistro ka sa NBI or National Bureau of Investigation, ang magiging kahalintulad niya ay “Ma” na lamang sa Passport.

Yup. Isa akong Ma. Haha. Weird.

Note to self: Sana kumikita rin ako sa pagsusulat ko dito sa blog na ito. Haha. Pang-libang.