Kasi Hindi Ako Ganun Kaganda

“Ang presyo ng isang painting ay nakadepende sa kung sino ang gumawa nito. Kung mahusay ang gumawa, mataas ang presyo. Kung painting ka, alam mo ba kung gaano ka kamahal? Buhay lang naman ang ibinayad para sa iyo ni Jesus dahil sa sobrang taas ng value mo. “-Rigel

I am so blessed after reading this post. It made me realize that I am beautiful too. Just like how beautifully you were created. Jesus Christ loves all of us. You are fearfully and wonderfully made.

Although, sometimes, I feel insecure.. actually hindi lang some times, most of the time.. feeling ko marami pang kulang sakin at hindi ako ganun kaganda kasi, hindi ako nagugustuhan ng mga guys na nagugustuhan ko. Ano kaya ang problema? Ako ba? Haha. So, ayun, hindi ko sure. Pero masaya pa rin ako kahit ganun. Marami akong realizations sa buhay. Hindi ko makocontrol kung sino yung mga gusto ako bilang kaibigan at kung sino yung mga may hinanakit sakin. Kasi, hindi naman ako si God. I am just an ordinary person. I am striving real hard but my feet are in the ground. Alam ko na malalampasan ko lahat ng pagsubok as I grow into a more mature woman, with the help of God, who gives wisdom and knowledge. Thank you Lord.

A Blog To Remember

Madalas tayong mga babae, hindi natin maiwasang magkumpara ang sarili natin sa iba. Bakit ba iniisip nating masmaganda ang unat kesa sa kulot? Pero nagpakulot na naman ang mga straight? Bakit gusto pang pumayat pa more eh payat na nga. Kahit na magapply ka pa ng smokey na eyeshadows, hindi mo kailanman maitatago sa mata ang mga sagot ng mga bakit. At ang karaniwang sagot, “Kasi hindi ako ganon kaganda”.

Mayroong isang kabataan, “Ate naiingit ako sa kaniya. Halos lahat ng crush niya, nililigawan siya. Bakit ako? Ni isa, wala? Bakit hindi ba ako ganoon kaganda?”

Minsan kahit sa loob ng pamilya. “Mas pinapaburan siya Ate kasi masmaganda siya. Lagi siyang dinadala sa opisina ni Papa. Ako hanggang gate lang. Kasi maganda siya. Siya, laging may pasalubong. Bakit ate? Kasi hindi ako ganun kaganda? ”

“Binigay ko sa kaniya lahat. Pati katawan ko. Hindi kasi siya kuntento sa puso ko…

View original post 470 more words