Mahal kong kaibigan

cropped-cropped-img_20150330_1659472.jpg

Nabighani mo ako sayong kagandahan.
Nabiyayaan ka. Gusto ka ng mga magulang niya.
Gusto mo siya. At malamang sa malamang gusto ka na rin niya.
In denial lang siya. Baka hindi mo alam.

Hindi ka nagsasalita masyado. Mapili ka sa mga kaibigan.
Maraming nagmamahal sayo. Kahit na hindi ka naging honor student.
Mahinhin ka. Marunong mag-bake. May green thumb.
Lahat ng itinatanim mong bulaklak, lumalago.

Kahit na hindi ka ganun katangkad. Marunong kang magtimpi sa mga saloobin. Lagi kang nag-jojournal. Nagdadasal.
Laking simbahan ka. Mahal ka ng mga kamag-anak niya.

Hindi ko na sana sinabi ang saloobin ko sa Prinsipe. Eh di sana, pinapansin mo pa rin ako. Magkaibigan pa sana tayo. Tandaan mo na, minsan sa buhay nating dalawa. Tayo ay nagkasama. Tinuruan mo pa nga ako ng tennis. Diba?

Hindi ako nakikipagtunggali sa kakayahan mo, dahil alam kong sa simula pa lamang, talo na agad ako sa pag-asam ng kung anong kagandahan meron ka. Inalagaan mo ang iyong puri. At alam kong, hinihintay mo siya. Sa kanyang paguwi.

Alam ko na gusto mo siya o baka mas higit pa doon ang nararamdaman mo. Mahal mo na ba siya? Sasabihin ko sayo, na malamang ay gusto ka na rin niya. Mis kita mahal kong kaibigan. Wag mo sana akong kalimutan, na minsan tayo ay naging tunay na magkaibigan.

  • Mangarap (Jaenara Bitao)